^

Metro

Mag-live-in partner binoga: 1 dedo

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na Bicolana habang nasa kritikal na kondisyon ang ka live-in nitong jeepney driver nang pagba­barilin ng isang di- nakilalang lalaki na sakay ng motorsiklo, habang nag-aabang ng mga pasahero, sa Sta. Mesa, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Rowena Acedera, 17, tubong Bicol, habang kritikal naman sa pagamutan si David Severino, 24, ng Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng V. Mapa LRT 2 station.

Nabatid na bala mula sa kalibre .45 baril ang tumama sa ilong ni Acedera at pumasok sa ulo nito, habang si Severino ay sa panga nasapul. Nag-aabang umano noon ng pasahero ang dalawang biktima sakay ng kanilang pampasadang jeep ( TXD-227), nang biglang sumulpot ang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing lumapit at pinutukan ang dalawa.

Unang binaril ang babae at nahawakan pa ni Severino ang baril kaya sa panga siya natamaan ng bala, matapos nito’y mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. Blangko pa ang pulis­ya sa motibo sa isinagawang pamamaril sa dalawa. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ACEDERA

AYON

BICOL

BICOLANA

BLANGKO

DAVID SEVERINO

LUDY BERMUDO

MAYNILA

ROWENA ACEDERA

SEVERINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with