^

Metro

Kaanak ng politiko, ikinanta sa gun-smuggling

-

MANILA, Philippines - Lumantad sa tanggapan ng Bureau of Immigration ang (BI) dayuhang kapitan ng M/V Ufuk, ang barkong nahuli­han ng mga puslit na baril kamakailan sa Mari­veles, Bataan kasabay nang pag­bu­­bunyag sa isang puli­tiko na umano sangkot sa gun-running activities.

Sa paglutang kahapon sa tanggapan ni BI Commissioner Marcelino Libanan ni Capt. Bruce Jones, kasama ang isa pang Gregorian national na crew ng nasabing barko, ibinunyag niya na kaanak ng isang pulitiko sa bansa ang nasa likod ng operasyon ng gun-running syndicate.

Aminado umano si Jones na takot siyang malagay sa panganib ang buhay subalit nagpasiya na ring magsalita upang madakip umano ang mga kasapi ng sindikato.

Ikinatuwa naman ni Customs Commissioner Napoleon Morales ang nasabing pagbubunyag.

Hiniling din ni Jones na handa siyang tumestigo subalit dapat umano siyang tulungan ng BI at BOC para maisailalim sa witness protection program.

Una nang nagsampa ng kasong kriminal ang BOC sa Department of Justice (DOJ) Task Force on Anti-Smuggling laban sa 37 katao na sangkot sa pagpupuslit ng 14 na crates ng matataas na kalibre ng baril.

Kabilang sa ipinagharap ng kaso ang anim na em­pleyado ng Red White & Blue Arms Inc. kung saan naka-consign ang mga karga­mento.

Nakasama din sa kina­suhan ang 14 na crew members ng M/V Ufuk, 7 crew members ng M/Y Mou Man Tai, 5 opisyal at ng M/V Ufuk at 5 opisyal ng M/Y Mou Man Tai. (Ludy Bermudo at Gemma Amargo-Garcia)

BLUE ARMS INC

BRUCE JONES

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

SHY

V UFUK

Y MOU MAN TAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with