^

Metro

PAO lawyers sa Ruby Rose case, pinalitan

-

MANILA, Philippines - Upang maiwasan na magkaroon ng kulay at pag­dududa kung kaya pinalitan kahapon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda Acos­ta ang mga PAO lawyers na una nang may hawak sa kaso ng pagpatay kay Ruby Rose Barrameda.

Ayon kay Acosta, layon nito na maiwasang magka­roon ng ibang kulay lalo na’t ang mga nasabing abo­gado ay matagal ng na­katalaga sa Malabon kung saan kilala ang im­pluwesya ng pamilya Jime­nez, na sinasabing sang­kot sa kaso.

Kabilang sa mga itina­laga ni Acosta para huma­wak sa kaso at magsilbing abogado ng testigong Manuel Montero ay sina Atty.’s Howard Areza, Ro­welyn Dacparo at Patrick Duran.

Kasabay nito ay hina­mon ni Acosta ang abo­gado ni Lope Jimenez, isa sa mga akusado sa kaso na si Atty. Ferdinand To­pacio na patunayan ang alegasyon nito na guma­gamit ng iligal na droga si Montero.

Ibinunyag naman ni Acosta na nakatanggap din siya ng banta sa kan­yang buhay na umano’y posibleng may kinalaman sa Ruby Rose case.

Noong Huwebes uma­no ng tanghali ay naka­tang­gap siya ng isang ano­nymous text message na nagsasabing pasasabugin ang bahay niya.

Nang araw ding iyon ay nakatakdang makipag­kita sa kanya ang asawa at manugang ni Montero ka­ sama ang kapatid ni Ruby Rose na si Rochelle Barra­meda upang humingi ng tulong sa PAO. (Gemma Amargo-Garcia)

ACOSTA

CHIEF PERSIDA RUEDA ACOS

FERDINAND TO

GEMMA AMARGO-GARCIA

HOWARD AREZA

LOPE JIMENEZ

MANUEL MONTERO

NOONG HUWEBES

RUBY ROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with