^

Metro

Obrero pinatay ng karibal sa GRO

-

MANILA, PHilippines - Isang lalaki ang nasawi makaraang saksakin ng kanyang naging karibal sa pagtingin sa isang guest relation officer sa loob ng isang videoke bar sa Brgy. Talon 5 sa Las Piñas City kahapon ng madaling-araw.

Tinangka pang isalba ng mga manggagamot sa Las Piñas Medical Hospital ngunit matapos ang tatlong oras ay nalagutan din ng hininga ang bikti­mang si Ronnie Decena, 23 anyos, obrero, at resi­dente ng Greenvalley, San Nicolas 3, Bacoor, Cavite.

 Tumakas naman ang suspek na si Gregory John Brual, alyas Leleng, 21-anyos, ng Sampaloc St., Manuela 5 Talon 5.

Nauna rito, nagtungo si Brual sa Jens Videoke Bar sa M. Alvarez Avenue sa Talon 5 dala ang rosas at tsokolateng regalo sana niya sa isang GRO roon na kinilala lang sa alyas na Jane pero nabigo siyang makausap ang babae dahil ka-table nito si Decena nang mga oras na iyon.

Matiyaga namang naghintay si Brual na makaalis si Decena upang siya naman ang maka-table ni Jane ngunit dakong alas-2:30 na ng madaling-araw nang pakawalan ng biktima ang babae.

Naubos naman ang pasensya ng suspek kaya hinintay na lamang sa labas ng bar ang biktima. Dito nagkaroon ng kumprontasyon ang dalawa hanggang sa saksakin ni Brual si Decena saka mabilis na tumakas. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALVAREZ AVENUE

BRUAL

DANILO GARCIA

DECENA

GREGORY JOHN BRUAL

JENS VIDEOKE BAR

LAS PI

MEDICAL HOSPITAL

RONNIE DECENA

SAMPALOC ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with