^

Metro

Networking firm ipapaimbestiga

-

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng umano’y pananakot sa mga nire-recruit, nais ni Acting Manila Mayor Francisco Moreno na imbestigahan ang Unlimited Networking Opportunities International Corp.

Sinabi ni Moreno na isasagawa ang naturang hakbang dahil sa apela ni Gerry Ranoa, 18, estudyante ng Far Eastern University na biktima ng pyramiding at inagrabyado umano ni Larry Bitara 24, matapos na sapilitan umano nitong kunin ang kanyang salapi, laptop at relos kung hindi sasali sa networking.

Sinabi ni Ranoa na kasinungaling ang mga unang ipinahayag ni Bitara kung saan pinagbintangan pa nito ang mga pulis na nanakit at kukuha ng kanyang pera na nagkakahalaga ng P7,000.

Iginiit naman ni Moreno na kailangan na agad na maibestigahan ng National Bureau of Investigation ang mga networking company lalo pa’t nagre-recruit ng mga menor de edad o mga estudyante. (Doris Franche)

BITARA

DORIS FRANCHE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GERRY RANOA

LARRY BITARA

MORENO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SINABI

UNLIMITED NETWORKING OPPORTUNITIES INTERNATIONAL CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with