MANILA, Philippines - Hindi na umabot pa sa korte ang pagsasampa ng kasong acts of lascivious ness at robbery holdup ng 30-anyos na sinasabing sex maniac na holdaper nang mabaril ito matapos umanong mang-agaw ng baril sa nag-iimbestigang pulis ng Manila Police District-Station 3, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspek na si Eddie Boy Ebasco, miyembro ng Batang City Jail at residente ng 1615 Imelda St ., Tondo, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala mula kay PO2 Laurence Ignacio.
Sa imbestigasyon ni Det. Virgilio Martinez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:45 ng hapon nang mabaril si Ebasco sa loob ng investigation room ng MPD-Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na habang iniimbestigahan si Ebasco ni SPO2 Wilfredo Contreras ay nagtangka itong agawin ang baril ng huli kaya nagpambuno sila hanggang sa maagaw niya ang baril ng pulis at nang ipuputok umano sa imbestigador ay agad na itong inunahan ni Ignacio.
Una nang napaulat ang pagkakadakip kay Ebasco kamakalawa makaraang holdapin at bastusin pa ang isang nursing trainee ng JRRMC sa kanto ng Rizal Avenue at Malabon St.
Naaktuhang ipinasusubo ng suspect sa biktima ang kanyang ari habang nakatutok ang patalim. Matapos madakip naglutangan na rin ang iba pa niyang naging biktima. (Ludy Bermudo at Gemma Garcia)