^

Metro

Manyakis na holdaper, nang-agaw ng baril todas

-

MANILA, Philippines - Hindi na umabot pa sa korte ang pagsa­sampa ng kasong acts of lascivious­ ness at robbery holdup ng 30-anyos na sinasa­bing sex maniac na holda­per nang maba­ril ito ma­tapos umanong mang-agaw ng baril sa nag-iim­bestigang pulis ng Manila Police District-Station 3, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Namatay habang gi­na­gamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspek na si Eddie Boy Ebasco, miyembro ng Batang City Jail at residente ng 1615 Imelda St ., Tondo, May­nila dahil sa tinamong tama ng bala mula kay PO2 Laurence Ignacio.

Sa imbestigasyon ni Det. Virgilio Martinez ng Manila Police District-Ho­micide Section, dakong alas-3:45 ng hapon nang mabaril si Ebasco sa   loob ng investigation room ng MPD-Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na habang ini­imbestigahan si Ebas­co ni SPO2 Wilfredo Contreras ay nagtangka itong agawin ang baril ng huli kaya nagpambuno sila hanggang sa ma­agaw niya ang baril ng pulis at nang ipuputok umano sa imbestigador ay agad na itong inuna­han ni Ignacio.

Una nang napaulat ang pagkakadakip kay Ebasco kamakalawa ma­­karaang holdapin at bastusin pa ang isang nursing trainee ng JRRMC sa kanto ng Rizal Avenue at Malabon St.

Naaktuhang ipinasu­subo ng suspect sa bik­tima ang kanyang ari habang nakatutok ang patalim. Matapos ma­dakip naglutangan na rin ang iba pa niyang naging biktima. (Ludy Bermudo at Gemma Garcia)

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

CRUZ

EBASCO

EDDIE BOY EBASCO

GEMMA GARCIA

IMELDA ST

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LAURENCE IGNACIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with