^

Metro

Lumagapak sa food court: Estudyante tumalon sa mall, lasog

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na es­tudyante makaraang tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang kila­lang mall sa Fairview, Quezon City kamakalawa.

Dead on arrival sa FEU Hospital ang biktimang si Danilo Jadd Coro­nel, estudyante ng STI at residente ng Camus Extn., Malabon City.

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr., hepe ng homicide section ng QC Police, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa loob ng isang mall sa kanto ng Regalado Avenue at Quirino Hi-way Brgy. Pasong Putik ng nabang­git na lungsod.

Sinasabing naglalakad noon sa ikatlong palapag ng gusali ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Crystal Enriquez nang bigla siyang tumalon mula sa itaas.

Lumagapak ang biktima sa food court ng establisyimento at sa lakas ng pagbulusok nito pababa na­apek­tuhan ng husto ang kanyang ulo.

“Head and body injuries ang inabot ng biktima sabi ng mga ma­gulang. May suicide note daw ang kanilang anak na nasa kanila na hindi na ipinakita pa,” paliwanag ni Chief Insp. Elenzano Jr.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang kaso.

vuukle comment

BENJAMIN ELENZANO JR.

CAMUS EXTN

CHIEF INSP

CRYSTAL ENRIQUEZ

DANILO JADD CORO

ELENZANO JR.

MALABON CITY

PASONG PUTIK

QUEZON CITY

QUIRINO HI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with