^

Metro

Holdaper na manyakis, tiklo

-

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 30-anyos na holdaper na ‘sex-maniac’ sa aktong tinututukan ng patalim ang isang nursing trainee ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC), na pinaluhod at pilit na ipinasusubo ang kaniyang ari, sa madilim na lugar matapos holdapin, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 3, ang suspek na si Eddie Ebasco, ng Imelda St., Tondo, May­nila matapos pormal na ipagharap ng reklamo ng nursing trainee na itinago ko sa pangalang “Jhingky”, 19, at estudyante ng Perpetual Help College of Manila at resi­dente ng Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas- 5:55 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Rizal Avenue at Malabon Sts., Sta Cruz, Maynila.

Sa salaysay ng biktima, papasok siya sa duty bilang OJT sa JRRMC nang dikitan siya ng suspek, tutukan ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Matapos makuha ang kaniyang cellphone at P900. na cash ay hinila siya sa madilim na bahagi ng Rizal Avenue at tinutukan muli ng patalim. Pilit umano siyang pinaluluhod at sabay labas ng ari ng suspek at sapilitang ipinasubo sa kanya.

Natiyempuhan naman sila ng nagrorondang mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Lumutang naman sa presinto ang isa pang biktima na hindi pinangalanan, na positibong kumilala sa kaniya na humoldap at pwersahan ding ipinalalaro sa kaniya ang ari ng suspek. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

EDDIE EBASCO

IMELDA ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LUDY BERMUDO

MALABON STS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

PERPETUAL HELP COLLEGE OF MANILA

RIZAL AVENUE

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with