^

Metro

Ex-cop supplier ng shabu, arestado

-

MANILA, Philippines - Isang dating pulis na umano’y supplier ng shabu ng mga pumapa­sa­dang jeepney driver ang kritikal ma­karaang barilin ng isang operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) nang i-hostage nito ang poseur- buyer na pulis sa loob ng kanyang sasakyan sa isinagawag buy-bust operation sa kanya kaha­pon ng madaling-araw sa lungsod Quezon.

Si PO1 Nataniel Ba­guio, alyas Nataniel Re­yes, 40, ng Canugan Ca­lumpit, Bulacan at da­ting naka-assign sa Re­gional Mobile Group (RMG) ng Region 3, ay inoobser­bahan ngayon sa East Avenue Medical Center (EAMC) matapos na mag­tamo ng tama ng bala sa katawan.

Samantala, arestado rin sa naturang operas­yon ang live-in partner nitong si Christine Cas­sandra, 26. 

Ayon kay Chief Insp. Benjamin Eleanzano, ng QCPD, si Baguio ay napili­tang barilin ni Insp. Erwin Guevarra, hepe ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID) matapos na tang­ka­in nitong i-hostage si PO1 George Santiago na nag­silbi nilang poseur-buyer nang makatunog ito na ang kanilang transak­syon ay isang lehitimong drug operations.

Naganap ang insi­dente sa kahabaan ng EDSA, ma­lapit sa GMA-7 sa na­sabing lunsod pa­sado ala-1:15 ng mada­ling-araw.

Bago isagawa ang buy-bust operation ay isi­na­ilalim muna sa isang ling­gong surveillance ang dating pulis na sinasa­bing supplier umano ng shabu sa mga bus driver at mga utility van na may biya­heng SM North EDSA at Malolos Bu­lacan.

Narekober sa suspek ang 5 gramo ng shabu, shabu paraphernalia, isang kalibre 45 baril na may 6 na bala, at P3,000 na pera na ginamit sa buy-bust operation.

Dagdag ni Guevarra, ang buy-bust operation ay may pahintulot mula sa tang­gapan ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA). (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BENJAMIN ELEANZANO

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERWIN GUEVARRA

GEORGE SANTIAGO

MALOLOS BU

MOBILE GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with