13-anyos todas sa pamamalo ng ina
MANILA, Philippines - Isang 13-anyos na batang lalake ang nasawi makaraang paghahatawin ng kahoy sa ulo at katawan ng sariling ina na nagalit matapos na umano’y putulin ng una ang kanilang kawad ng kuryente para gawing tanso at ibenta sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Ronald Gonzales, 13, 1st year high school, ng Kampupot St., Purok 17, Unit 5, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.
Samantala, nakapiit naman sa tanggapan ng Quezon City Police District-Criminal Invistigation & Detection Unit (QCPD-CIDU) ang suspek na si Salve Torno-Gonzales, 38, habang inihahanda ang kasong parricide laban dito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa may loob mismo ng bahay ng pamilya Gonzales pasado alas-9 ng gabi.
Lasing umano nang umuwi sa kanilang bahay ang inang si Salve at naabutan nitong walang ilaw sa kanilang bahay. Nang tignan ni Salve ay nalaman nitong pinakialaman umano ng binatilyo ang kable ng kanilang kuryente na naging sanhi ng naturang pagdilim sa kanilang kabahayan, maging sa kanilang kapitbahay.
Sa galit kinuha ni Salve ang kanilang walis tambo saka pinuntahan ang natutulog nitong anak sa kuwarto saka walang humpay na pinagpapalo sa ulo at katawan. Natigilan lang umano ang suspek sa kanyang pambubugbog sa anak nang mamagitan na ang ilan nilang kapitbahay.
Kahapon pasado alas-6 ng umaga nang mapuna nina Rhey at Racel ang kapatid na si Ronald na walang malay kung kaya agad nilang ipinagbigay alam ito sa tiyahin at isinugod sa nasabing pagamutan kung saan ito idineklarang pa tay ni Dr. Jomar Malana.
Dahil dito kung kaya’t nagpasya ang mga kaanak ng mga biktima na ipaaresto sa pulisya ang ginang na nagsabing “Nagdilim ang paningin ko, hindi ko alam na ganun ang mangyayari,” bagay na hindi sinasang-ayunan ng awtoridad.
Sinasabing nagawang putulin ng binatilyo ang kawad ng kanilang kuryente para gawing tanso at maibenta nang magkapera ito.
- Latest
- Trending