^

Metro

4 pang MPD cops inireklamo

-

MANILA, Philippines - Hindi pa man natata­pos ang kaso ng dala­wang pulis na umaresto sa 13-an­yos na totoy dahil sa curfew kama­ka­ilan, pani­bagong apat na pulis ng Manila Police District (MPD) ang itinuro ng isang estudyante na na­nakot at nanakit sa kanya sa loob mismo ng Gene­ral Assign­ment Section ng MPD Headquarters. Per­sonal na dumu­log sa tanggapan ni Acting Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang bikti­mang si Larry Bitara, 24, Information Technology student, upang ireklamo ang mga pulis na nakila­lang sina SPO1 Romeo Saa­vedra, PO2 Angelo Buzon, PO2 Re­ginald delos Reyes at isang John Doe na pa­wang nakata­laga sa MPD-GAS. Ayon kay Bitara, ang naturang mga pulis ang nanakot, nanakal, nam­bug­bog, pumalo ng blot­ter sa kanyang ulo at ku­muha ng kanyang P7,000 na pangmatrikula. Una rito, sinabi ni Bi­tara na binugbog at si­nak­tan din siya ng ina at ka­patid ng kanyang school­mate na si Gerry Ranoa. Sina Bitara at Ranoa ay kapwa kasapi ng Unlimited Net­work Opportunity. Setyembre 2, dakong alas-11 ng umaga nang su­gurin si Bitara ng na­nay at ka­patid ni Ranoa kung saan pinagsa­sam­pal siya at sinuntok. Bagama’t duma­ra­ing sa sakit ng katawan, patuloy siyang kina­ladkad ng ina at kapatid ni Ranoa pa­tungo sa pulisya. Sinabi pa ni Bitara na hindi pa rito natapos ang kanyang kalbaryo dahil mga pulis naman umano ang na­na­kot at nanakit sa kanya. (Doris Franche)

ACTING MANILA MAYOR FRANCISCO

ANGELO BUZON

BITARA

DORIS FRANCHE

GERRY RANOA

INFORMATION TECHNOLOGY

JOHN DOE

LARRY BITARA

RANOA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with