Dalaga naglaslas ng pulso, nag-overdose, nakaligtas
MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na dalaga ang himalang nakaligtas makaraang magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtungga ng sangkaterba na multi-vitamins at maglaslas pa ng kanyang pulso sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Karen Esmeras, naninilbihan bilang katulong sa bahay ni Rodolfo Angeles ng Maralin St., Brgy. Central ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente ganap na alas-5:30 ng madaling-araw makaraang matagpuan ang biktima ng kanyang amo na duguang nakahiga sa kanyang kuwarto dahil sa paglaslas ng kanyang pulso. Dahil dito, agad itong isinugod sa nasabing ospital kung saan mabilis namang naisalba ang buhay nito.
Ayon sa pulisya, bihira na ang ganitong pangyayari sa mga taong nagpapakamatay at ang kaso ng biktima ay patunay lamang na hindi pa niya oras.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang mabatid kung ano ang dahilan ng biktima para gawin ito. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending