^

Metro

2 holdaper bulagta sa parak

-

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad sa magkahiwalay na engkuwentro na naganap sa Tondo, Maynila at Ca­loocan City.

Sa Maynila, hindi pa nakikilala ang nasawing suspect na tinatayang nasa gulang 35-45, 5’2’’ hang­gang 5’4’’, katamta­man ang pangangatawan, may balbas, nakasuot ng kulay skyblue na shorts, tadtad ng tattoo na indi­kasyong miyembro ng “Commando gang”.

Nakatakas sa engku­wen­tro ang dalawa pang kasamahan ng nasawi.

Sa imbestigasyon, da­kong ala-1:30 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng Gina’s store sa kanto ng Road 10 at Lakandula Sts., Tondo.

Ayon sa mga bikti­mang sina Darwin Carpio, 24; at Miguel Padrid, 22, magkaangkas sila sa motorsiklo nang pagsapit sa Road 10 at Lakandula St., ay hinarang sila ng 3 sus­pek na armado ng kalibre .38 baril at patalim at puwersahang kinuha ang kanilang pera at cell­phone.

Agad namang naka­pag­sumbong sa pulisya ang mga biktima na huma­bol sa mga suspect. Nang abutan ay nagsimula nang magpaputok ng baril ang mga holdaper dahilan upang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga ito. Hinihinalang ang mga suspek ang madalas hu­ma­rang sa mga naka-motorsiklo at pribadong sa­sakyan upang holdapin sa nasabing lugar.

Samantala, bulagta rin ang isang holdaper ma­tapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Michael Ediemer.       

Ayon sa imbestigas­yon, nakatanggap ng im­pormasyon ang mga pulis na nasa Phase 4, Bagong Silang si Ediemer, kilalang holdaper sa lugar..

Papalapit palang ang mga pulis ay sinalubong na sila ng putok ni Ediemer na naging dahilan upang gu­manti ang mga ito na na­ging sanhi ng kamatayan ng huli. (Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DARWIN CARPIO

EDIEMER

LAKANDULA ST.

LAKANDULA STS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with