^

Metro

Grupong sumalakay sa Walter Mart, tukoy na

-

MANILA, Philippines - Tukoy na ng pamunuan ng Quezon City Police ang grupo ng robbery/holdup gang na sumalakay sa armored van sa   Walter Mart sa lungsod Quezon nitong Martes at ito ay pinangungunahan uma­no ng tinaguriang Ozamis at Ampang-Colangco gangs.

Ayon kay chief Superintendent Elmo San Diego, hepe ng Quezon City Police District, ito ang naging palagay nila matapos na makita sa pamamagitan ng footage mula sa closed-circuit television (CCTV) na nakakabit sa nasabing mall ang mga nasabing grupo.

“Yung footage ng CCTV ang pino-pro­cess namin ngayon. Meron kaming file ng rogue gallery, kino-compare namin kung sila nga yan,” ayon kay San Diego.

Sinisimulan na ring suyurin ng awto­ridad ang mga ospital upang matag­puan ang dalawang holdaper na sina­sabing nasugatan sa nangyaring palitan ng putok.

“Ang dami sa labas may naka-back-up daw allegedly pero ang sa loob ang nakunan ng footage ng CCTV, pino-process natin ngayon,” sabi pa ni San Diego.

Hinihinala rin ng opisyal na may ka­sabwat na insider na nagbigay ng im­por­masyon sa schedule ng armored van dahil batid umano ng mga suspek kung anong oras sila maaring suma­lakay.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Crimi­nal Investigation and Detective Unit ng QCPD, lima katao ang sugatan, kabilang ang mga customers at security personnel sa naganap na pangloloob at ngayon ay nakaratay sa Quezon City General Hospital.

Ang dalawang sasakyan ginamit ng mga suspek ay Mitsubishi Adventure (XSB-557), itim na Ford Expedition (WND-331), asul na Kia Picanto (ZGV-964), at isang Suzuki (LMJ-619) ay nasa pangangalaga ngayon ng QCPD-CIDU. (Ricky Tulipat)

FORD EXPEDITION

INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

KIA PICANTO

MITSUBISHI ADVENTURE

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with