^

Metro

Batang Fil-Japanese kinidnap

-

MANILA, Philippines - Palaisipan ngayon sa pulisya ang katotohanan kung talagang dinukot at pinakawalan ng mga armadong lalaki ang isang 11-anyos na bata na anak umano ng isang Hapones makaraang matagpuan ito ng pulisya sa gilid ng kalsada kama­kalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang biktima sa pangalang Sean Torres na nadaanan ng mga nagpa­patrulyang pulisya sa kanto ng Gil Puyat Avenue at Chino Roces St. sa harap ng isang bangko dakong alas-9 ng gabi.

Nang tanungin ng mga pulis kung sino at ano ang ginagawa niya, sinabi ng bata sa Ingles na dinukot siya ng mga arma­dong lalaki habang nasa ibaba siya ng tini­tirahang condominium. Isinakay umano siya sa isang puting close van ng mga suspek kung saan may tatlo pang batang babae na kasing-edad niya ang nasa loob ng sasakyan na pawang nag-iiyakan.

Mahigit isang oras umano silang ibi­niyahe hanggang sa ibaba siya ng mga suspek sa may Gil Puyat Avenue sa Makati City. Hindi naman maalala ng bata ang pangalan at lugar ng tinutuluyang condo­minium, pati na ang pangalan ng kan­yang mga magulang maliban sa pagsa­sabing anak siya ng Japanese national sa Pili­pinang ina. May hinala naman ang pulisya na na-trauma ang bata kaya’t ipinasiya nilang dalhin ang kaso sa Women and Children’s Protection Desk ng Makati police. (Danilo Garcia)

CHINO ROCES ST.

DANILO GARCIA

GIL PUYAT AVENUE

HAPONES

MAKATI CITY

PROTECTION DESK

SEAN TORRES

SHY

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with