^

Metro

Ginang lumaban sa holdaper, tinodas

-

MANILA, Philippines - Isang ginang ang binaril at napatay ng mga hinihinalang holdaper makaraang manlaban siya sa mga ito sa Barangay Concepcion, Malabon City kamakalawa ng gabi.

Gayunman, hindi mabatid ng pulisya ang pangalan ng biktima dahil tinangay ng mga suspek ang bag nito na maaaring naglalaman ng mga kaukulang identi­fication­ card.

Ang biktima na may tama ng bala sa dibdib ay nasa pagitan ng edad na 45-50 anyos, payat, nakasuot ng itim na blusa na may itim na sinturon at itim na pantalon. 

Isang 14-anyos na dalagitang si Cristina Perez ang nasugatan nang madaplisan ng bala sa may balakang.

Nauna rito, nag-aabang ng masasakyan sa Arellano St., Barangay Concepcion ang biktima nang biglang pumarada sa kanyang tapat ang isang abong motorsiklo na walang plaka at tutukan ng baril ng sakay nito.

Ayon sa mga saksi, nakipaghablutan pa sa kanyang bag ang biktima at pinagpupukpok pa ng kanyang payong ang mga suspek na isang beses na nagpaputok bago mabilis na tumakas. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARELLANO ST.

AYON

BARANGAY CONCEPCION

CRISTINA PEREZ

DANILO GARCIA

GAYUNMAN

ISANG

MALABON CITY

NAUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with