^

Metro

Binata todas sa sekyu

-

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ang isang 21-anyos na binata ng isang security guard matapos umanong mag­tangkang magnakaw ang una nang pumasok sa gina­gawang condominium building kahapon ng ma­daling-araw sa Sta. Mesa Maynila.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Rommel Perez ng G-2 Jesus St. Pan­dacan dahil sa tina­mong tama ng bala ng shotgun sa katawan

Mabilis namang na­aresto ang suspek na si Oscar Mendez, 44, secu­rity guard ng Pichel Secu­rity and Detective Agency at residente ng De Jesus St. Caloocan City.

Lumalabas sa imbesti­gasyon na dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa construction site ng Philip­pine National Construction Corporation (PNCC) com­pound na matatagpuan sa El Pueblo condominium Teresa st. Sta. Mesa.

Kasalukuyan umanong binabantayan ng suspek ang perimeter fence ng ginagawang construction ng isang condominium ng makita nitong umakyat sa bakod ang limang kalalaki­han at pumasok sa loob ng isang compound kaya una siyang nagbigay ng warn­ing shot kaya nagpanak­buhan ang mga ito.

Subalit makalipas ang 15 minuto ay muling umak­yat sa bakod ang tina­tayang 10 katao da­ hilan upang paputukan na ito ng sekyu na nagre­sulta sa pagkakabaril sa biktima. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

DE JESUS ST. CALOOCAN CITY

DETECTIVE AGENCY

EL PUEBLO

GEMMA AMARGO GARCIA

JESUS ST. PAN

MESA MAYNILA

NATIONAL CONSTRUCTION CORPORATION

OSCAR MENDEZ

PICHEL SECU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with