3 holdaper ng call center agent, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong holdaper, kabilang ang isang menor-de-edad, matapos nilang holdapin ang isang call center agent kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakakulong at nahaharap sa kasong robbery-hold-up ang mga suspek na sina Paul Gatdula Vin­cent, 17; Rommel Tayag, 34; at Marvin Aguilar, 24.

Kinilala naman ang biktimang si Mary Grace Bonnie­mil Alcunices, 21, dalaga, call center company, taga-G. Villanueva st., ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong ala-1 madaling-araw sa kahabaan ng G. Villanueva St., ng nabanggit na siyudad.

Habang naglalakad ang dalaga sa nabanggit na lugar pauwi ng kanilang bahay, biglang lumapit dito si Vincent, tinutukan ito ng patalim at nagdeklara ng hold-up.

Sapilitan nitong kinuha ang bag ng dalaga na naglalaman ng kabuuang halagang P6,000, na kina­bi­bilangan ng cellphone, cash at mga personal be­longings.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect, gayunman nadakip din ang mga ito sa isinagawang follow-up operation. (Lordeth Bonilla)

Show comments