^

Metro

Sa panunuhol umano sa obispo: NBI official pinagpapaliwanag

-

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Acting Justice Secretary Agnes Devanadera ang National Bureau of In­ves­tigation (NBI) na imbes­ti­gahan ang isang umano’y opisyal ng NBI na nanuhol sa isang obispo upang manahimik sa usapin ng operasyon ng sugal.

Base sa ipinadalang memorandum order ng Ka­lihim kay NBI director Nestor Mantaring, parti­kular na tinukoy nito upang magpaliwanag si Director Constantino Joson ng NBI Cagayan Valley tungkol sa pagkakasangkot sa nasa­bing kontrobersya.

Nais ni Devanadera na ipaliwanag ni Joson sa loob ng 42-oras kung bakit hindi siya dapat papana­gutin tungkol sa nasabing anomalya.

Ang kautusan ng Ka­lihim ay bunsod sa mga lumabas sa pahayagan na pinangalanan ni Bayom­bong Bishop Ramon Ville­na si Joson na isa sa dalawang personalidad na umano’y nanuhol sa kanya ng pera kapalit ng panana­himik nito sa kwestyunab­leng operasyon ng Meri­dien Vista Gaming Corpo­ration (MVGC).

Itinanggi naman ng opis­yal ang nabanggit na suhulan at sinabing ang cash na binigay kay Bishop Villena ay donasyon ng sim­bahan at hindi suhol ka­sabay ng paninindigan na ang galing sa MVGC ay hindi illegal at ipinagkaloob ito sa obispo noong kan­yang kaarawan.

Nilinaw pa ni Joson na legal ang operasyon ng MVGC dahil rehistrado ang kanilang mga pa­peles sa Securities and Ex­change Commission (SEC) na may prangkisa mula sa Cagayan Eco­nomic Zone Authority (CEZA) at may pahintulot ng local go­ vernment units at provincial board ng Nueva Ecija. (Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo)

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

BISHOP RAMON VILLE

BISHOP VILLENA

CAGAYAN ECO

CAGAYAN VALLEY

DIRECTOR CONSTANTINO JOSON

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSON

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with