^

Metro

100 pamilya sa Parañaque creek, wawalisin ng MMDA

-

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) sa daan-daang pamilya na na­nini­rahan sa gilid ng Ibayo Creek sa Parañaque City na kusang lisanin na ang ka­nilang mga barung-barong bago puwersa­hang gibain ng kanilang mga tauhan dahil sa pagiging sanhi ng pagbabaha sa lungsod kapag umuulan.

Sinabi ni MMDA Flood Con­trol Management Service head, Baltazar Melgar na nadiskubre nila na ang na­turang mga kaba­hayan ang dahilan ng matin­ding pagba­baha sa Sucat Road nitong nakaraang Linggo. Uma­abot umano sa 125 pa­milya ang naninirahan sa natu­rang creek sa Brgy. Sto. Niño na ibinabala rin ang kanilang mga sarili sa posibleng trahedya.

Iginiit pa ni Melgar na inis­yuhan na nila ng “notices” ang mga residente noon pang buwan ng Agosto upang ma­isa­ayos ang daloy ng tubig. May 25 pamilya na umano ang tumu­gon sa kanila at kusang lumisan sa kanilang mga tinitirhan ma­tapos na tanggapin ang P3,000 tulong pinansyal.

Patuloy din naman ang ko­or­di­nasyon nila sa Parañaque City Government ukol sa usa­pin ng naturang mga squat­ter. Si­nabi rin ni Melgar na handa silang alalayan sa paglilipat ng kanilang mga gamit ang mga pa­milya kung hihilingin sa kanila.

Bukod sa nakatakdang “widen­ing” ng Ibayo Creek, mag­sasagawa rin ng “pipe laying” ang MMDA para ma­isa­ayos ang “drainage sys­tem” ng Sucat Road. (Danilo Garcia)

BALTAZAR MELGAR

CITY GOVERNMENT

DANILO GARCIA

FLOOD CON

IBAYO CREEK

MANAGEMENT SERVICE

MANILA DEVELOP

SHY

SUCAT ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with