Empleyado todas sa guro

MANILA, Philippines - Patay ang isang empleyado ng mall makaraang barilin ito ng isang guro sa loob mismo ng pinapaupahang bahay ng huli, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Agad na nasawi ang biktimang si Reylito Deguido, 28, nangungupahan sa Block 29, Welfareville Compound, Addition Hills, nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang mangyari ang naturang insidente sa bahay na pag-aari ng suspect na si Jose Solomon Jr., high school teacher ng Claro M. Recto High School ng Maynila.

Ayon sa ulat, agad namang sumuko ang suspect sa mga barangay tanod sa kanilang lugar.

Sa pahayag ng suspect, napatay niya ang biktima bilang “self defense” matapos na pasukin umano siya nito sa kan­yang kuwarto bitbit ang isang .45 kalibre ng baril at pag­bantaan siya nitong patayin.

Bunga nito ay inunahan na umano ng suspect na pasla­ngin ang biktima sa pamamagitan ng pamamaril dito gamit ang isang .9mm kalibre ng baril.

Nabawi naman sa posesyon ng guro ang isang .9mm kalibre na baril at isang .45 kalibre na baril. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments