^

Metro

Pagbasura sa murder case apela ni Jimenez

-

MANILA, Philippines - Umapela kahapon kay Acting Justice Secretary Agnes Devanadera ang fishing magnate na si Lope Jimenez na ibasura ang kasong murder na inihain laban sa kanya ng beauty queen na si Rochelle Bar­rameda dahil sa pagka­matay ng kanyang kapatid na si Ruby Rose.

Sa 36-pahinang petition for review na inihain ni Jimenez,sinabi nito na walang basehan ang ka­song isinampa laban sa kanya kundi base lamang sa pahayag ni Manuel Montero at walang sapat na ebidensiya upang ituloy ang kaso laban sa kanya.

Iginiit din nito na hindi pa rin napapatunayan na ang bangkay na nakuha sa loob ng drum sa dagat ng Navotas ay kay Ruby Rose Barrameda.

Si Lope ang siyang may-ari ng Buena Suerte Jimenez (BSJ) Fishing and Trading Co. at nakababa­tang kapatid ni Atty. Ma­nuel Jimenez Jr. na ama naman ni Manuel Jimenez III na asawa ni Ruby rose.

Nauna nang nagpala­bas ng warrant of arrest ang Malabon Regional Trial Court matapos na maisampa ang kasong murder laban sa magka­patid na Jimenez.

Iginiit naman ni Jime­nez na wala siyang motibo upang gawin ang umano’y pagpatay kay Ruby Rose at sa halip dapat ang tes­ti­monya umano ni Montero ang dapat madiin dahil sa ma­tapos ang dala­wang taong pananahimik ay big­lang susulpot at saka big­lang magsasalita tung­kol sa kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

BUENA SUERTE JIMENEZ

FISHING AND TRADING CO

GEMMA AMARGO-GARCIA

IGINIIT

JIMENEZ

JIMENEZ JR.

LOPE JIMENEZ

RUBY ROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with