Ampon, bf idiniin sa biyuda na nalitson sa kotse

MANILA, Philippines - Idiniin kahapon sa pu­lisya ng bunsong ka­patid ng natustang biyu­dang ne­gosyante ang 18-anyos na ampon ng bik­tima at ang boyfriend ng huli na uma­no’y kapwa nag­­sab­ watan at may kina­laman sa ka­hin­dik-hindik na pagka­matay ng ginang kamaka­lawa sa Rodri­guez, Rizal.

Base sa dalawang pa­hinang sinumpaang salay­say ni Eleuterio Antonio, 49, driver at naka­ba­ba­tang kapatid ng na­matay na bikti­mang si An­tonia Golez ng Rodriguez St, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal, direkta nitong inaku­sahan si Princess Rose Ann Golez, adopted daugh­ter ng huli at ang isang nag­nga­ngalang Melvin de Leon na siya umanong nob­yo ng da­laga na aniya’y kapwa nasa likod ng natu­rang insi­dente.

Ayon pa sa salaysay ni Eleuterio sa pulisya na si Princess umano ang ba­baeng tumalon mula sa kotse at isinaboy ang isang galon ng gasolina sa biktima na noon ay nasa loob ng kaniyang kotse.       

Binanggit pa nito sa pu­­lisya na pinanood lamang umano ni Princess ang bu­ong pangyayari saka umalis na hindi man lam­ang umano sinikap na ilig­tas sa pagkakasunog ng ina-inahan nito, bagkus ay iniwan pa umano nito habang nag­liliyab sa loob ng kaniyang sasakyan.        

Isiniwalat pa ng ka­patid ng biktima sa pu­lisya na madalas uma­nong mag-away ang biktima at si Princess dahil mahigpit na tumututol ang ginang sa pakikipag-live-in ng dalaga kay Melvin.

Ayon naman sa pulisya na sa ngayon ay hindi pa nila maituturing na suspect si Princess dahil wala pa na­­man umanong matibay na ebidensiya at basehan na makadidiin sa dalaga.

Sa ngayon ay hinihin­tay pa umano ng mga im­bestigador ang resulta ng post mortem examination ng SOCO at ng mga fire arson investigators   upang malaman kung may naga­nap ngang “foul play” sa pagkamatay ng biktima. (Rose Tesoro)

Show comments