3 holdaper bulagta sa Pasig

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong pinaghi­hinalaang mga miyembro ng Alvin Flores holdup and rob­bery group matapos na maki­pag­palitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng pulisya, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ng pulisya ang dalawa sa mga nasawi na sina Antonio Rodriguez at Allan Ma­hinay, habang ina­alam pa ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Ayon kay Eastern Police Dis­trict (EPD) director, P/C Supt. Benjardi Mantele, unang na­ispatan ng operatiba ng Pasig City Police sa ini­latag na checkpoint sa A. Rodriguez Avenue corner F. Manalo St., Manggahan, sa nabanggit na lungsod ang mga suspect na pawang sakay ng isang Toyota Vios na walang plaka dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Nang sitahin umano ng opera­tiba, sa halip na huminto ay lalo pa umanong pinaha­rurot ng mga suspect ang kanilang sasakyan na nagre­sulta upang habulin ang mga ito ng grupo ng operatiba.

Nang malapit ng masukol ay bigla na lamang umanong nagpaputok ang mga suspect na naging dahilan upang gu­manti naman ang operatiba na naging dahilan ng ilang minu­tong umaatikabong ha­bulan at palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Nang humupa ang ilang minutong running gunbattle ay nakita na lamang ang tat­long suspect na pawang du­guan at wala nang buhay na bumulagta sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, habang nagawa namang makatakas ng ibang kasama­han ng mga ito sa pamamagi­tan ng pag­talon sa Mangahan Channel.

Narekober naman sa loob ng sasakyan ng mga suspect ang isang Colt caliber 45 pistol, isang caliber 380 pistol at isa pang caliber 38 revolver.

Naniniwala naman si Man­tele na kabilang ang mga sus­pect sa nanloob noong Agosto 30 sa apat na kom­panya sa Pasig City kung saan na­gawang ma­tangay ng mga ito ang mahigit P1 mil­yong halaga na pag-aari ng isa sa naturang mga kom­panya.

Show comments