^

Metro

Pugante 13-taon nagtago, sumuko

-

MANILA, Philippines - Hindi na nakayanan ang hirap ng buhay sa laya kung kaya matapos ang halos 13-taong pagtatago, nagpasya ang isang murder suspect na kabilang sa tumakas sa bilangguan sa Malolos city jail na sumuko sa awtoridad sa lung­sod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Eliseo Carillo, 38, binata, ng Brgy. Villa Aurora, Busay Samar ay nagpas­yang sumuko sa tanggapan ni Supt. Jesus Balingasa, hepe ng Station 10 ng Quezon City Police upang hara­pin na lamang ang kasong ibinibin­tang sa kanya sa bayan ng Malolos, Bulacan.

Ayon kay Carillo, hindi na niya naka­yanan ang hirap dahil simula nang maka­takas siya ay hindi na siya naka­kain ng tatlong beses sa isang araw.

“Mahirap po kasi sa labas, wala naman po akong makuhang trabaho, tapos sa Samar magsasaka naman ako pero, hirap don talaga kaya ito (sumuko) na lang ang ginawa ko,” sabi pa ni Carillo.

Nabatid na Marso 1997 nang tuma­kas si Carillo sa piitan ng Malolos City jail kasama ng dalawa pang murder suspek, kung saan namalagi siya sa Samar bilang magsasaka.

Sinabi ni Carillo, sa tagal na pama­malagi sa probinsiya ay nagpasya siyang lumuwas ng Maynila nitong Sabado para muling makipagsapa­ laran sa paghahanap ng trabaho ngunit walang tumatanggap sa kanya.

Pasado alas-4:30 ng madaling-araw nang kusang sumuko si Carillo sa pulisya upang harapin na ang kasong kinaka­harap nito. (Ricky Tulipat)

BUSAY SAMAR

CARILLO

JESUS BALINGASA

MALOLOS

MALOLOS CITY

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SAMAR

SHY

SI ELISEO CARILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with