^

Metro

Bebot na nilamon ng alon, kilala na

-

MANILA, Philippines - Kinilala na ng kaanak ang babae sa magkasintahan na nilamon ng alon sa breakwater ng Manila bay, na sakop ng Port Area, Maynila, noong Linggo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, ang babae ay nagngangalang Corazon Bartolome, 40, nakatira umano sa loob ng Manila North Cemetary, Sta Cruz, Maynila, ayon sa kamag-anak na si Charlie, 23.

Hindi pa nakukuha ang buong pagkilanlan sa lalaking biktima na kinilala lamang sa pangalang “Allan” ng kaniyang kaibigang si Joey Enopereo, 20, grocery helper.

Matatandaang ang magkasintahan ay nakatayo umano sa batuhan at naghahalikan nang biglang maglaho kasunod ng paghupa ng malaking alon na humampas sa kanilang kinaroroonan sa Manila Bay, sa bahagi ng Port Area, Maynila dakong alas-3:30 ng hapon noong Linggo at kapwa natagpuan sa magkahiwalay na lugar na bangkay na.

Nananatili naman sa Harold Funeral Homes ang bangkay ni Allan na wala pang kumukuhang kaanak. (Ludy Bermudo)

CORAZON BARTOLOME

HAROLD FUNERAL HOMES

JOEY ENOPEREO

LINGGO

LUDY BERMUDO

MANILA BAY

MANILA NORTH CEMETARY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PORT AREA

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with