9 na 'tiktik' tumanggap ng reward sa PDEA

MANILA, Philippines - Siyam na mga tinaguriang “tiktik” o impormante ng pa­ma­halaan laban sa droga ang pinagkalooban ng pabuyang aabot sa P6.74 milyong cash ng Phillippine Drugs Enforce­ment Agency (PDEA) ka­hapon sa mismong tang­ga­pan nito sa lungsod Quezon.

Ayon kay PDEA Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, ang pagbibigay ng pabuya sa siyam na impor­mante ay bilang pagkilala sa kanilang ginawa upang ma­bu­wag ang malalaking ope­ras­yon ng droga tulad ng pa­ga­waan ng shabu o labo­ratoryo nito.

May kabuuang P6.74 mil­yong monetary reward ang na­tanggap ng siyam na infor­mant na maaaring ma­gamit nila para sa kina­bu­kasan ng kanilang pamilya.

Nababalutan ang buong katawan ng mga ito bilang pro­teksyon sa kanilang pag­katao laban sa mga sindika­tong kanilang nabuwag. (Ricky Tulipat)

Show comments