^

Metro

2 OFW nalansi ng pekeng doktor

-

MANILA, Philippines - Nawala ang mahigit sa P200,000 cash at mama­ha­ling kagamitan ng dalawang dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na taga-Leyte matapos na maloko ng isang pekeng doktor na nangako sa kanila ng trabaho sa ospital sa bansang Australia.

Ayon sa reklamo ng mga bik­timang sina Rosemarie Dimpas, 25, at Leilit Oquias, 33, tubong Javier, Leyte laban sa isang Marlon Malingin, 30, sinabi ng mga ito na pina­nga­kuan sila ng huli ng trabaho bilang housekeeping sa hos­pital sa Australia at makaka­tanggap ng sahod na P60,000 kada buwan.

Bukod sa salapi ay kinuha pa umano ng suspek ang lahat ng mga kagamitan ng dalawa sa tinutuluyan nilang apartelle sa lungsod.

Ayon sa ulat, dumating si Dimpas mula Leyte kasama si Malingin noong September 1 at tumuloy sa Crown Apartelle sa West Avenue dahil sa pa­ngako ng suspek na makaka­alis siya sa bansa patungong Australia sa Sept. 16.

Hanggang noong Lunes, inutusan umano si Dimpas ng suspek na mamili ng damit sa Quiapo, at nang pagbalik nito sa apartelle ganap na alas- 2 ng hapon ay nawawala na ang kanyang kagamitan ma­ging ang huli. (Ricky Tulipat)

AYON

CROWN APARTELLE

DIMPAS

LEILIT OQUIAS

LEYTE

MARLON MALINGIN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

RICKY TULIPAT

ROSEMARIE DIMPAS

SHY

WEST AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with