Boyong pumanaw

MANILA, Philippines - Pumanaw na ang tinagurian hoodlum terminator na si Malabon City 2nd District Councilor at dating Police Chief Alfredo “Boyong” Mañalac matapos itong atakihin sa puso kamakalawa ng gabi.

Si Mañalac na namatay sa edad na 69 ay binawian ng buhay sa Manila Central University Hospital dahil sa heart attack. Nakilala si Mañalac sa bansag na Hoodlum Terminator dahil sa dibdiban nitong pagsugpo sa krimen noong siya ang hepe ng Malabon City Police noong dekada 90.

Sa kasalukuyan, nakalagak ang labi ni Mañalac sa Floresco Funeral Homes sa Barangay Tugatog, Malabon City at hang­gang sa kasalukuyan ay hindi pa alam kung kailan ito ihahatid sa huling hantungan. (Lordeth Bonilla)

Show comments