^

Metro

Milyon dagsa sa libing ni Ka Erdy

-

MANILA, Philippines - Umabot sa milyong katao ang dumalo sa libing ng yu­ma­ong executive minister nito na si Eraño “Ka Erdy” Manalo kahapon ng tanghali.

Inilibing si Manalo sa isang Tabernacle malapit sa INC Central Temple sa Quezon City.

Nananangis ang mga mi­nistro at pamilya ni Manalo habang ipinapasok ang kan­yang kabaong sa isang pun­tod sa sentro ng Tabernacle.

Ibinigay ni Vice President Noli de Castro ang bandila ng Pilipinas sa biyuda ni Manalo habang isang 21-gun salute naman ang pinaalingawngaw para sa yumaong lider ng INC.

Sinabi ni Quezon City Po­lice District Chief Elmo San Diego na umabot sa isang mil­yon ang pumila sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at sa kanugnog na mga kalsada sa paligid ng compound ng INC.

Dumalaw din at nagbigay ng respeto para kay Manalo si Pangulong Gloria Arroyo at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

Sumikip ang daloy ng tra­piko sa kahabaan ng Com­mon­wealth Avenue dahil sa pagdating ng maraming tao sa libing ni Manalo.

Kahapon ng tangkali nag­karoon ng funeral service pero inihayag ng INC na walang eulogy para kay Ka Erdy. (Angie dela Cruz, Ricky Tulipat at Rudy Andal)

vuukle comment

CENTRAL TEMPLE

COMMONWEALTH AVENUE

DISTRICT CHIEF ELMO SAN DIEGO

KA ERDY

MANALO

PANGULONG GLORIA ARROYO

QUEZON CITY

QUEZON CITY PO

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with