MPD libre sa camouflage
MANILA, Philippines - Pinagbigyan ng Department of Interior and Local Government ang kahilingan ni Manila Mayor Alfredo Lim na ilibre sa pagsusuot ng camouflage uniform ang mga miyembro ng Manila Police District.
Nabatid na iniutos ni DILG Undersecretay Danilo Valero na ipagpaliban ang inspeksyon sa mga pulis na inasahan sanang isasagawa kamakalawa.
Noong Biyernes, dumulog ang Manila‘s Finest Brotherhood Association, Inc hinggil sa kinukuwestiyon nilang pagsusuot ng camouflage na uniforms na dapat lamang umano ay sa sundalo o special forces sa mga kaguluhan.
Magdudulot din umano ng pangamba sa mga mamamayan ng lungsod kung makikita ang pawang unipormado ng camouflage ang mga pulis at baka isiping nasa ilalim na ng ‘martial law’ ang bansa. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending