^

Metro

2 ex-convict itinumba

-

MANILA, Philippines - Dalawang ex-convict na miyembro ng “Bahala na Gang” at “Batang City Jail” ang napatay habang isang lalaki pa ang sugatan matapos ang pamamaril ng ilang kalalakihang nakasuot ng bonnet sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ng Criminal Investigation Unit ng Quezon City Police, kinilala ang mga nasawi na sina Arthur Carbunco Jr., 30, binata, miyembro ng Bahala na Gang, at residente sa #123 Maya St., Barangay Commonwealth sa naturang lunsod; at Cesar Cantelejo, 36, may-asawa, miyembro ng Batang City Jail at residente sa #321 Steve St., Sugatan sa insidente si Ferdinand Dioson, 28, may-asawa ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, nangyari ang unang pamamaril kay Carbunco sa may harap ng isang tahanan sa 140 Unit 5, Maya St., sa nasabing barangay.

Kalalaya lamang ni Carbunco sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa no­ong Disyembre 15, 2008. Nakulong siya dahil sa kasong robbery. Nakaupo sa nasabing lugar nang dumating ang dalawang nakamotorsiklong suspek at nakasuot ng bonnet bago siya pinagbabaril.

Matapos ang pama­maril ay mabilis na tuma­kas ang mga suspek lulan ng motorsiklo. Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ang biktima.

Kasunod nito, pinag­babaril ng apat na lalaking nakasuot ng bonnet si Can­telejo sa may harap na­ man ng kanyang tahanan.

Nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan nang dumating ang mga suspek bitbit ang shotgun at pinagbabaril ito. Na­gawa pa ng biktima na ma­ka­ takbo ngunit hinabol siya ng mga salarin at nang ma­abu­tan ay saka muling tinad­tad ng bala bago tumakas.

Samantala, nang mag­sa­gawa ng pagsisiyasat ang awtoridad ay nalaman naman na tinamaan ng ligaw na bala si Dioson.

Hindi pa mabatid ng awtoridad ang tunay na motibo ng nasabing pama­maslang na ang naging pangunahing target ay mga ex-convict. (Ricky Tulipat)

ARTHUR CARBUNCO JR.

BAHALA

BARANGAY COMMONWEALTH

BATANG CITY JAIL

CARBUNCO

CESAR CANTELEJO

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

FERDINAND DIOSON

MAYA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with