^

Metro

Salvage victim natagpuan

-

MANILA, Philippines - Isang lalaki, na hinihinalang biktima ng salvage, ang natag­puan sa isang madamong bakanteng lote kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na isang alias Mac-mac Ogag, may taas na 5’9’’, burdado ng tattoo sa katawan at umanoy miyem­bro ng Sputnik gang at nakasuot ng blue na t-shirt at printed na short pants.

Base sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa panulukan ng Matang Tubig at Avenida St., Tondo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, na may mga galos sa kanang bahagi ng mata, kamay at tuhod at saksak ng hini­hinalang ice pick sa kaliwang bahagi ng leeg ang nasawi.

May hinala naman ang pulisya na posibleng bandang gabi pa namatay ang biktima dahil matigas na ang bangkay nito habang patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad kung biktima ito ng salvage o kinursunada lamang at saka itinapon sa naturang lugar. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AVENIDA ST.

BIKTIMA

GEMMA AMARGO-GARCIA

ISANG

KINILALA

LUMALABAS

MATANG TUBIG

MAYNILA

OGAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with