^

Metro

Engineering student todas habang nagri-review sa board

- Nina Ludy Bermudo at Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa naka­takdang pagkuha ng Board exams sa Nobyembre ang isang civil engineering grad­uate ng Borlongan, Samar, nang matagpuang patay sa tinutuluyang kaanak, sa May­nila, habang nagre-review, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

May ilang oras na uma­nong patay nang madiskubre ang biktimang si Dennis Baria, 34, binata, ng Borlongan, Samar at pansamantalang nakikituloy sa #559 T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:30 ng umaga nang gisingin ang biktima sa kan­yang silid ng tiyuhing si Fidel Baria, 67, upang mag-almusal subalit patay na ito.

Sinabi ni Fidel na nakita niya dakong alas-11 ng gabi kamakalawa na nanonod ng TV ang pamangkin, kinabu­ka­san nasilip niya na tulog ang biktima kaya di muna ginising subalit dakong alas-8 ng umaga nang balikan upang yayaing mag-almusal, nakita niyang nakahiga pa rin kaya nilapitan na at dito nadiskub­reng hindi na humihinga nang yugyugin para magising.

Ayon sa ulat ni Lumbad, ang biktima ay lumuwas sa Maynila nitong Mayo upang mag-review sa pagkuha ng CE Board exam na nakatakda sa Nobyembre 2009.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

ALONZO ST.

BORLONGAN

CRUZ

DENNIS BARIA

FIDEL BARIA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NOBYEMBRE

RICHARD LUMBAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with