^

Metro

Hazing sa loob ng MLQU campus, bubusisiin

-

MANILA, Philippines - Makikipag-ugnayan ang Manila Police District sa pa­munuan ng Manuel L. Que­zon University (MLQU) ka­ugnay sa reklamo ng isang estud­yanteng sugatan dahil sa hazing na dinanas sa umano’y tatlong miyembro ng Leysam Fraternity, na na­ganap mismo sa nasabing pa­aralan.

Kinilala lamang sa mga alyas na “Boco Cruz”, “Co­dom” at “Decena”, ang mga sus­pect na pawang mga mi­yembro ng Leysam Fra­ternity matapos ireklamo ng isang estudyante ng MLQU na si Kevin Narca, 19, ng Bignay St., Project 2, Quezon City.

Hindi pa detalyado ang ulat sa kung paano at gaano kalubha ang tinamong sugat ng biktima dahil sa hazing na isinagawa sa ika-7 palapag ng MLQU Main Bldg, sa R. Hidalgo, Quiapo, Maynila, da­kong alas-3 ng hapon, kama­kalawa.

Nais alamin ng pulisya kung paano nakakalusot o sadya bang pinayagan ng security personnel ng eskwe­lahan ang hazing sa uniber­sidad. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BIGNAY ST.

BOCO CRUZ

KEVIN NARCA

LEYSAM FRA

LEYSAM FRATERNITY

LUDY BERMUDO

MAIN BLDG

MANILA POLICE DISTRICT

MANUEL L

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with