^

Metro

Mister nagbaril sa sentido

-

MANILA, Philippines - Nakahandusay at duguan ang sentido ng 54-anyos na ama nang matagpuan sa roof­top ng kanilang bahay ng kan­yang anak sa Tondo, Manila, kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay nang ida­ting sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Bien­venido Pullan, ng 1211 Asuncion St., Tondo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nang ma­ganap ang pagpapakamatay ng biktima sa rooftop ng ka­nilang bahay.

Sinabi ng kapitbahay ng nasawi na si Esther Torres, habang nakatayo siya sa tapat ng kanilang bahay ay nakarinig siya ng putok ng baril na nagmula sa itaas ng bahay ng mga Pullan kaya agad niyang sinabihan si Fellrose, 19, anak ng nasawi na alamin ang narinig niyang putok sa itaas ng kanilang bahay. Kanang bahagi ng sentido ang tama ng bala mula sa kalibre 9mm na nare­kober din sa tabi ng biktima.

Naniniwala naman ang pa­milya ng nasawi na maaaring naaburido ito sa iniindang kum­­plikadong mga sakit. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ASUNCION ST.

ESTHER TORRES

FELLROSE

IDINEKLARANG

KANANG

LUDY BERMUDO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NAKAHANDUSAY

PULLAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with