^

Metro

11-anyos nagbigti

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na grade five pupil ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti matapos nitong damdamin ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang sa Malabon City kahapon.

Hindi na umabot ng buhay nang isinugod sa malapit na clinic ang biktima na itinago sa pangalang Totoy.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni PO3 Robert Miclat ng Malabon City Police, Criminal Investigation Division, dakong alas-11:30 ng umaga nang ma­tagpuan ang biktima mis­mo sa loob ng bahay ng kan­yang lola na nakilala lamang sa pangalang Aling Lorna na matatagpuan sa Santulan St., ng nabanggit na lungsod.

Nylon net ang ginamit ng bata sa pagbibigti na isinabit sa kisame.

Nabatid na simula nang maghiwalay ang ama at ina ng biktima, may tatlong taon na ang nakakaraan ay tumira na ito sa kanyang lola na doon madalas mapansing walang kibo at malungkutin ang nasawi.

Maaaring hindi nakayanan ng bata ang labis na kalung­kutan at maagang pagiging bunga ng broken family. Nakarating din sa bata na binubugbog ang kanyang ina ng bago nitong kinakasama.

Nalaman pa rin na bago isinagawa ng bata ang pag­papatiwakal, isang kaibigan ang hiningahan nito ng kan­yang sama ng loob na nais na niyang mamatay.Sa kabila nito ay patuloy pa ring ini­imbestigahan ng mga pulis ang nasabing insidente.

vuukle comment

ALING LORNA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

ISANG

MAAARING

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NABATID

ROBERT MICLAT

SANTULAN ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with