^

Metro

Kelot dinedo dahil sa droga

-

MANILA, Philippines - Sinasabing onsehan sa droga ang dahilan upang barilin at patayin ang isang lalaki ng kanyang kalugar nang magalit ang huli dahil kulang ang biniling shabu ng una sa Caloocan City kahapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Rodolfo dela Cruz, 43, ng Callejon st., Bagong Barrio ng lungsod na ito. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspect na nakilalang si Ahno Caralde alyas “Mayor”.

Base sa nakalap na impormasyon ng Caloocan City Police, nabatid na bago naganap ang insidente, inutusan ng suspek ang biktima na bumili ng P2,000 halaga ng shabu.

Halagang P1,000 lang ang binili ng biktima at nang ma­laman ito ng suspek ay hinanting ito hanggang sa makita sa Panday Pira, Bagong Barrio, dakong alas-11 ng umaga. Walang sabi-sabing binaril ng suspek ang biktima sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AHNO CARALDE

BAGONG BARRIO

CALLEJON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CRUZ

HALAGANG

LORDETH BONILLA

PANDAY PIRA

PINAGHAHANAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with