^

Metro

Seguridad sa MM, hinigpitan ngayong 'ber months'

-

MANILA, Philippines - Mas maigting na segu­ridad ngayon ang nais na ipa­tupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa inaasa­hang pagtaas ng bilang ng krimen ngayong pumasok na ang “Ber Months” na hudyat sa paglapit ng panahon ng Kapaskuhan.

Sa direktibang inilabas ni NCRPO chief, Director Ro­berto Rosales, inatasan nito ang kanyang limang district directors, mga chief of police at station commanders ng pag­papaigting ng kampanya kontra krimen sa pamama­gitan ng paglulunsad ng mas maraming checkpoints, po­lice visibility at intelligence gathering.

Inaasahan kasi na tataas ang bilang ng mga “street crimes”.

Posible ring mag-umpisa ang mas malalaking operas­yon ng mga sindikato ng robbery hold-up, carnap­ping, hijacking at kidnapping.

Sinabi ni Rosales na hindi lamang ang panahon ng Ka­paskuhan ang kanilang pinag­hahandaan kundi ang maga­ganap na halalan sa susunod na taon na posibleng maging ugat din ng paglaki ng bilang ng magaganap na krimen. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

BER MONTHS

DANILO GARCIA

DIRECTOR RO

INAASAHAN

JOY CANTOS

KAPASKUHAN

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

POSIBLE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with