^

Metro

P5 suhol sa traffic enforcer

-

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang isang 27-anyos na Chinese national makara­ang pumalag, laitin at alukin pa ng suhol na barya ang mga traffic enforcers na sumita sa kanya sa paglabag niya sa batas trapiko kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kasong paglabag sa “Seatbelt Law, driving with­out license, unjust vexa­tion” at paggamit ng cell­phone habang nagma­maneho ang mga kinaka­harap ngayon ni Yang Shao Quiao, alyas Jacky Yang, nanunuluyan sa Room 506 Mandarin Man­sion, Binondo, Maynila.

Inireklamo siya ng mga traffic enforcers na sina Trese Dasalla at Bernardo Pimentel ng Pasay City Traffic and Parking Ma­nage­ment Office.

Sa salaysay ng dala­wang traffic enforcer, na­aktuhan nila ang dayuhan na gumagamit ng cell­phone at walang suot na seatbelt habang nagma­maneho ng isang Toyota Innova dakong alas-11 ng umaga sa panulukan ng Libertad at Taft Avenue, Pasay.

Kanila itong sinita at nang hanapan ng lisensya sa pagmamaneho ay wala itong maipakita. Inimbita­han naman ng dalawa si Yang sa kanilang tangga­ pan ngunit nagmatigas ito. Nainsulto naman ang mga traffic enforcer nang abu­tan umano sila ng dayuhan ng tiglilimang pisong barya at sinabihan na pangkape nila. Dahil dito, dinala sa presinto at ikinulong ang suspek. (Danilo Garcia)

BERNARDO PIMENTEL

DANILO GARCIA

JACKY YANG

MANDARIN MAN

PASAY CITY

PASAY CITY TRAFFIC AND PARKING MA

SEATBELT LAW

SHY

TAFT AVENUE

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with