PNP naalarma sa talamak na human trafficking
MANILA, Philippines - Naalarma ang Philippine National Police sa talamak na human trafficking kung saan libu-libong kababaihang Pinay at mga menor-de-edad ang nabibiktima ng white slavery sa ibang bansa kada taon. Dahil dito, isinailalim sa 3-araw na human trafficking seminar ang may 50 personnel na nakatalaga sa Women and Children Protection Units bilang bahagi ng patuloy na transformation program ng PNP.
Ayon kay PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang seminar ay inorganisa ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa pakikipagtulungan sa mga Non Government Organizations (NGOs) at internasyonal na mga organisasyon na kumakalinga sa kapakanan ng mga kababaihan at mga bata.
Sinabi naman ni WCPC Chief Supt. Yolanda Tanigue, ang RA 9208 ay nagpapairal ng polisiya para mabawasan kung di man tuluyang masupil ang ‘human trafficking’, partikular na ng mga kababaihan at mga bata upang mabigyang proteksyon ang dignidad ng mga ito laban sa mga banta ng karahasan at eksploytasyon. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending