^

Metro

Nire-repack sa Bulacan, P4-milyong expired na gamot, nasamsam ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P4-milyong halaga ng mga gamot kung saan nire-repack ang mga imported subalit expired na gamot upang ibenta, sa isang warehouse sa Angat, Bula­can, sa ulat kahapon.

Sa inisyal na ulat, ibi­nun­yag ng NBI-Counter Intel­ligence Division (CID) na ang mga expired na gamot na nag­mula sa China, Estados Unidos, Pakistan at Karachi ay iniipon ng isang negos­yan­teng si Vicente Santos at ipinare-repack upang muling maibenta sa mga botika sa Southern Luzon.

Ayon sa NBI, tinutugis pa nila ang suspek na si Santos matapos madiskubre ang mi­ni­mentina nitong bodega sa gitna ng palayan, sa Brgy. Bi­nagbag, Angat, Bulacan noong Martes ng gabi.

Tuma­gal ng dalawang araw ang pag-iimbentaryo ng mga na­kumpiskang gamot na natuk­lasanag pawang expired na sa taong “2008” na para sa mga sakit na asthma, sipon, bitamina, at anti-biotics, anti-bacterial oral drops, gayundin mga tabletas para sa epilepsy, na nakalagay sa mga kahon.

Sinabi ni Head Agent lawyer Regner Peneza, hepe ng NBI-CID, na naberipika na nila na walang lisensiya at hindi pinapayagan ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) na magbenta o mag-repack man si Santos ng anumang uri ng gamot. Nakatakda umanong ibi­­yahe patungong Bicol region ang mga expired na gamot.

Isinasalang pa sa pagsu­suri ng NBI forensic che­mistry division at BFAD ang mga naturang gamot.

ANGAT

COUNTER INTEL

ESTADOS UNIDOS

GAMOT

HEAD AGENT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REGNER PENEZA

SHY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with