MANILA, Philippines - Isang lalaking modelo na nakapatay sa isang 82-anyos na doktor sa isang aksidente sa motorsiklo sa Tondo, Maynila ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa Baclaran, Parañaque. Kinilala ang suspek na si Christian Masibac Flogio, 22, modelo ng White Bird KTV bar, sa Bac laran, Parañaque City at residente ng Caloocan City.
Dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant kaugnay sa kasong reckless imprudence resulting in homicide na inisyu ni Judge Hipolito-Bunagan. Sa rekord, lumalabas na si Flogio ang nakabangga gamit ang minamanehong motorsiklo sa matandang doktor na si Ricardo Arcangel, na ikinasawi nito noong Mayo 2008. Natakasan ni Flogio ang mga barangay opisyal habang nag-iimbestiga sa nasabing aksidente hanggang sa matunton na siya kamakalawa ng gabi. (Ludy Bermudo)