^

Metro

BF binuweltahan si Jinggoy

-

MANILA, Philippines - Binuweltahan ka­ha­pon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando si Senator Jing­goy Estrada na nag-akusa laban sa kanya ng pag­labag sa Anti-Graft and Cor­rupt Practices Act ma­tapos amining tumang­gap ng regalo mula sa kita ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay Fernando, ma­lakas ang hinala ng ma­rami na nais lamang aga­win ng Senador ang pama­mahala sa MMFF kaya’t inirerekomenda na isaila­lim na ang pamamahala nito sa Movie Workers Wel­­fare Foundation (Mowel­­fund) na binuo ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada.

Inamin ni Fernando na tumanggap nga siya ng P1.6 milyon noong taong 2003 hanggang 2006 at pa­ni­bagong P.5 milyon noong Hulyo 24 bilang pabuya su­balit hindi aniya ito labag sa batas dahil isang priba­dong organi­sas­yon na may sariling pri­badong pondo ang MMFF, batay na rin sa inilabas na opinyon ng Department of Justice.

Sinabi ni Fernando na hindi lamang siya ang nabigyan ng pabuya kundi ang iba pang sektor na responsable sa tinama­sang tagumpay ng MMFF bilang pagkilala sa kani­lang naging kontribusyon.

Natural lamang aniya ito sa mga pribadong orga­nisasyon kung saan bini­bigyan ng pabuya ang mga taong nakapaglingkod ng mahusay at naging susi upang lumobo ang pondo o kita.

Idinepensa rin nina Atty Espiridion Laxa at Wilson Tieng, kapuwa miyembro ng Executive Committee ng MMFF ang pagkaka­loob ng cash gift kay Fer­nando dahil sa mahusay nitong pamamahala na nagresulta upang malag­pa­san ang kita ng MMFF at mabuhay muli ang in­dustriya ng pelikulang Pilipino.

Aminado naman si Fer­nando na lumiit ang tina­tanggap na benepisyo ng mga binabahaginan ng kita ng MMFF tulad ng Mowel­fund dahil nadagdagan aniya ang listahan ng mga bibigyan ng biyaya mula sa kita ng taunang festival kabilang na ang Film Aca­demy of the Philippines at ang Motion Picture Anti-Piracy Council. (Lordeth Bonilla)

ANTI-GRAFT AND COR

ATTY ESPIRIDION LAXA

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXECUTIVE COMMITTEE

FERNANDO

FILM ACA

LORDETH BONILLA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with