^

Metro

Sinehan na ginagamit sa prostitusyon, sinalakay

-

MANILA, Philippines - Isang sinehan na nag­papalabas ng malalas­wang panoorin ang sina­lakay ng pinagsanib ng tropa ng Quezon City hall detachment at Police Station 7 at pinagda­dampot ang may 64 ka­tao kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, ang si­nalakay na establisi­mento ay ang Alta Theater na matatagpuan sa Aurora Blvd., Cubao Quezon City.

Kasabay ng pag-aresto sa mga kalalaki­han nasa loob ng sine­han, tuluyan na ring ipi­nad-lock ito ng pulisya base sa closure order na ipinalabas ni Mayor Sonny Belmonte.

Nag-ugat ang pagsa­lakay bunsod ng rekla­mong natatanggap ng tanggapan ng alkalde kaugnay sa pagpapa­labas ng malalaswang panoorin ng naturang sinehan. Sinasabing ma­linaw na naging pugad ng pros­titusyon ang sinehan dahil halos nanggigitata ang kapaligiran ay ma­sama pa ang amoy sa loob nito.

Nakumpiska rin sa lugar ang mga malalas­wang litrato ng mga ka­ba­baihan at kalalakihan na nakapaskil sa labas ng naturang sinehan. (Ricky Tulipat at Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALTA THEATER

ANGIE

AURORA BLVD

AYON

CUBAO QUEZON CITY

MAYOR SONNY BELMONTE

POLICE STATION

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with