^

Metro

Dahil Sa Maraming Aksidente, Kampanya vs balasubas na drivers pinaigting

-

MANILA, Philippines - Dahil sa nakaka-alarmang pagtaas ng porsiyento ng kaso ng sakuna sa kalsada na kinasasangkutan ng mga bus at iba pang sa­sak­yan, paiigtingin ng pu­lisya ang kampanya laban sa mga drivers na walang disiplina at pa­tuloy na lumalabag sa batas trapiko.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay Department of In­terior and Local Govern­ment (DILG) Secretary Ronnie Puno na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga ito.

Kaya naman agad na inatasan ni Puno si PNP Highway Patrol Group (HPG) director, Chief Supt. Orlando Mabutas, na dagdagan ang visi­bility patrol sa mga national roads at iba pang pangunahing kal­sada upang masugpo ang mga traffic law violators.

Pinalabas ng Pangulo ang direktiba kay Puno sa naganap na cabinet meeting sa Sarangani province nitong Martes.

Sinasabing mula Enero hanggang Marso, nagtala ang HPG ng kabuuang 9,279 vehi­cular accidents, kung saan 3 libo kaso dito ay sanhi ng overspeeding.

Ayon kay Puno, na­alarma ang Pangulo sa nasabing problema, par­tikular sa naganap na banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon noong Linggo kung saan 9 katao ang nasawi at 41 pa dito ang nasugatan.

Dagdag ni Puno, ka­ramihan sa mga moto­rista ay posibleng hindi alam ang speed limits na kailangang ipatupad sa kalsada kung kaya nang­yayari ang insi­dente. (Ricky Tulipat)

CHIEF SUPT

HIGHWAY PATROL GROUP

LOCAL GOVERN

LUCENA CITY

ORLANDO MABUTAS

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with