^

Metro

Miyembro ng 'Bukas kotse gang', patay sa shootout

-

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong hinihinalang miyembro ng kilabot na “Bukas Kotse gang” ang nasawi ma­tapos na maka-engkwentro ang tropa ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police makaraang maaktuhan ang mga ito habang tinitira ang isang Honda Civic sa lungsod, iniulat kahapon.

Walang nakuhang anumang pagkakakilan­lan sa nasawing suspect.

Ayon sa ulat, naganap ang engkuwentro   pasado alas-9:15 ng gabi sa may K8 St., Brgy. East Kamias sa lungsod.

Nabatid na nagpapatrulya ang tropa ng CIDU sa nasabing lugar nang mapuna nila ang tatlong kalalakihan na kahina-hinala ang kini­kilos habang nasa tabi ng isang Honda Civic (KCV-113) na nakaparada sa harap ng isang bahay.

Dahil dito, nagpasya ang mga operatiba na sitahin ang tatlo ngunit hindi pa sila nakakalapit ay agad na nagbunot ng baril ang isa sa tatlo at pinaputukan ang mga operatiba.

Sa puntong ito, napilitan ang mga operatiba ng gumanti ng putok hanggang sa masawi ang isa sa suspek at makatakas naman ang dalawang kasamahan nito sakay ng isang motorsiklo.

Nakuha sa nasawing suspect ang isang kalibre 38 baril na may limang bala, isang basyo ng bala at isang steel bar na hinihinalang ginagamit ng mga ito sa pambukas ng kotse.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BRGY

BUKAS KOTSE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DAHIL

EAST KAMIAS

HONDA CIVIC

ISANG

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with