^

Metro

14-anyos grinipuhan ng 17-anyos

-

MANILA, Philippines - Dahil sa selosan, sugatan ang isang 14- anyos na high school student nang saksakin ng isang 17- anyos na binatilyo nang makita ng huli ang una na katabi ang dati niyang syota habang naggigitara sa Sta. Cruz, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang bik­timang si Kenneth Tamayo, 4th year high school, ng Sta. Cruz, Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Agad namang sumurender ang suspek na si Leo John Igos, isang out-of-school youth ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Remegio at Severino Reyes St., Sta. Cruz.

Nakaupo umano ang biktima at masayang nagi-gitara sa tabi ng isang babae nang biglang lumapit ang suspek at undayan ito ng saksak at mabilis na tumakas. Nabatid na nagselos ang suspek nang nakitang masayang katabi ng biktima ang dating nobya. Inihahanda na ang kaso laban sa suspect. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CRUZ

DAHIL

INIHAHANDA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KENNETH TAMAYO

LEO JOHN IGOS

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

SEVERINO REYES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with