Belo tutuluyan ng NBI

MANILA, Philippines - Itutuloy ng National Bureau of Investigation ang paghahain ng pa­tung-patong na kasong kriminal laban sa cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo.

Ayon kay NBI-Office of the Deputy Director for Intelligence Services head Agent Ross Bau­tista, lumakas pa ang mga ebidensiya sa ka­song reckless imprudence resulting to serious physical injuries laban kay Belo na ini­hain ng negosyan­teng si Josefina Norcio nang lumabas na ang resulta ng crime laboratory mula sa nana at mga sugat ni Norcio dahil sa hydrogel implant sa puwet nito.

Binalaan na rin ng NBI si Belo na ‘final subpoena’ na ang ipinadala para sa imbestigasyon sa Set­ yem­bre 3 at kung di si­sipot ay ididiretso na nila ang pagsasampa ng mga kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries at estafa dahil sa pagla­labas ng advertisements ng hydrogel na hindi umano totoo ang impor­masyon.

Nabatid na duma­ranas ng paghihi­rap si Norcio dahil sa hydrogel na isang foreign substance na naka-impek­siyon at halos ikamatay niya. (Ludy Bermudo)

Show comments